Stressed.

Napapagod talaga ako. Ilang araw na ako palaging walang tulog. Lumalaki na nga eyebags ko eh. Buti na lang natulog ako ngayon from 2pm-9pm. Bawing-bawi.

Marami akong bagay na kinakatakutan. Naiisip ko pa lang, naiiyak na ako. Naiinis nga ako sa sarili ko kasi napakaiyakin ko. Minsan hinihiling ko na sana matibay akong tao para hindi ako madaling maapektuhan ng mga bagay-bagay. Ayoko lang kasi ng pakiramdam na gumagawa ako ng effort pero walang nangyayari. Sobrang natatakot ako na hindi magbunga lahat ng pinaghirapan ko. Minsan kasi may mga bagay kang gustong-gusto na mangyari kaso parang ang hirap abutin. Basta ang alam ko sa ngayon, wala akong balak sumuko. Alam ko kasi kung ano ang gusto kong mangyari. Sayang naman kung susuko lang ako.

Posted on March/1/2012
Tagged as: personal,

POST NOTES:
  1. mangoroyale posted this